
since wala pa naman akong work at kakaalis ko lang sa call center, tinanggap ko ung offer.
sabi niya dapat daw magagawa kong pataas ang benta ng shop at ayusin ang sistema ng mga nagtratrabaho. nabangit din niya na ako ang malalagot kung manakawan ito at sakin ang charge.
Ayun na nga, June 30, 2011.
11am na ko dumating sa shop, na dapat 9 am palang eh andun nako. (late ako as usuall, sakit ko na yun nursery palang). Konti lang ang mga customer, mmm mga pito siguro tapos lahat nasa harap, pero may isang lalaki (na naka lipgloss) sa likod banda ng shop naglalaro, una syempre di ko pinansin kasi customer nga.
Nag CR ako, tapos andumi pla so naglinis ako, pero habang nililinisan ko nasa labas ako ng CR kasi nga mga mabasa ako at naka pants pako (with mah super 6 inches heels!), sabi ni Mr.Lipgloss "ei, paki sara naman ng CR na didistract ako. Sa loob kana mag linis", nag taka naman ako kasi ano ba naman ang care niya sa CR na nililinis ko, sabi ko "bakit? ano ba naman ang care mo sa CR na nililinis ko", O_O tapus ayun nga natapos din ako maglinis, mga 20 mins din ang naubos ko sa kaka mop ng CR namin.
Maya-maya pa eh napansin kong naiwan ko pla ung toothbrush ko sa bahay, tinawagan ko si inday sa bahay, eh andun ung phone sa likod kung san nag lalaro si Mr.Lipgloss, napansin kong Y8 lang ang naka open sa computer niya, kaya tinanong ko kung bakit hindi siya naglalaro, ang sabi niya eh hinihintay niya lang daw ung mga kasama niya kasi magDODOTA sila, ayun tumawag nako sa bahay, pinapadala ko ung toothbrush ko tsaka ung lunch ko.
Dumating ang lunch, peste! Paksiw ang ulam! (paksiw tsaka kare kare ang dalawang putaheng hindi hindi ko kakainin kahit sobrang gutom pako), kailangan ko ulit tumawag sa bahay para pagalitan si inday kung bakit yun ang pinadala sakin na ulam eh alam ng lahat sa bahay na di ako kumakain nun, pag punta ko ulit sa likod, biglang nagsalita si Mr.Lipgloss "ang boring naman, maka nood nga ng porn", di ko pinansin, maya-maya pa't sabi niya "uy ano ba yan di ako ma concentrate sa pinapanood ko, andyan ka kasi" ano daw? at ano ang kinalaman ko sa pinapanood niya? sabi ko "ha? at ano ang kinalaman ko sa pinapanood mo?". Natapos na din ang akin pakikipagbisaya sa tita kong nakasagot ng phone, bumalik nako sa server pc,
Lumapit sakin si Mr.Lipgloss, "pwede bang pa reserve ng 10 pc sa likod kasi dadating mga kasama ko", since wala parin namang tao nun sabi ko naman "sige". Tapos bigla kong hiniritan "ay ano nga pala name mo?", sumagot siya "Mr.Lipgloss" (di ko na babanggitin ang name). ayun alam ko na name niya. Mga past 12 na, dumating ang mga estudyante ko (pag ganun kasi ang oras para na akong principal kasi puro estudyante ang customer), since wala pang tao dun sa likod dun ko pinapwesto ang mga students, nagalit si Mr.Lipgloss, ansabi bakit ko daw pinaupuan eh pinareserve niya daw ung buong likod, sabi ko naman "wala pa naman ung mga kasama mo diba? tsaka isang oras lang ang mga yan,".
Maya-maya pa pinuntahan ako ni Mr.Lipgloss sa server pc, ang sabi niya susunduin niya nalang daw ang mga kasama niya, pero meron pa siyan natitirang 40mins na pc usage time, sabi niya ok lang daw mabilis lang naman daw siyang babalik, sabi ko naman sakanya eh bilisan niya lang kasi maya maya pa ay dadating ang second batch ng mga students ko.
Umalis si Mr.Lipgloss.
10mins. . .
30mins. . .
1hr and 30 mins. . .
1hr and 32 mins and 16 seconds. . .
Wala parin si Mr.Lipgloss, dumating na ang sekand bats ng mga students ko, edi since wala na siya, palalaruan ko na ung mga PC sa likod, nung binubuksan ko ung PC, ayaw mag open, at sa pagkakaalam ko ayos un kasi dun nakapwesto ung bantay sa gabi, at kung nasira un sana sinabi niya saki nung nagpalit na kami.
Napansin kong wala nang turnilyo ang PC na un, pag bukas ng cover ng PC.
Hard Drive. Memory. Processor.
Tangay!
at hindi lang isang PC ang tinangayan niya, tatlo, ung mga tabing PC ng PC-ing ginamit niya.
PAK! BENTE KWATRO MIL! charge sakin lahat. aguy san ko hahagilapin un.
kailangan ko atang ibenta ang katawan ko sa mga matatandang nalulungkot at tigang para makaipon ng ganun kalaki.
Ting! (bumbilya sa ulo)
I fucking know his fucking name! yun ang nag-iisang kamalian na ginawa niya, perfect crime na sana. pero sumabit siya. (talent ko pa naman ang background check)
Salamat sa google! nakuha ko ang e-mail add niya, at nakuha ko din ang FB niya, ayun! may Picture! siya nga at at at uniform ng isang malaking grocery chain sa pinas ang suot niya, may lugar pa kung san mismo ung branch! gamit ang e-mail add niya, nag search ako sa google,... nagbebenta pala siya ng PC parts sa mga 2nd hand PC shop sa nenernet. nakuha ko dalawang cp number niya, at acc name niya sa mga website na pinagbentahan niya, nagpamember pako ha para makita ang acc info niya. (hustle) at since yun na ang initiative ko para tumbukin na siya nga ang culprit pumunta nakong baranggay hall nag pa blotter ako (tama ba? blotter? blatter?) pero alam kong wlang magagawa ang baranggay, kaya dumeretso nako sa Police Department para may mangyari naman sa kasong to (bente kwatro mil! my gawd!).
Gagamitin ko ung trabaho niya para makuha ang address niya, alam kong may record sila nun kaya mas mapapadali (im so smaaaart! medyo tanga lang kasi nanakawan ni Mr.Lipgloss).
Pumunta nakong Police Station, natuwa ako kasi ang babata pa ng mga nakakulong, at at at may isag selda kung saan puro lalaki at isa lang ang reyna nila, Ang beking mag scorpion na tattoo, heheh kakatuwa si "Mayora" daw siya. Lumapit ako sa pulis, sabi sakin ni Sir.Police mamaya na daw ako kasi may saksakang nagaganap, ano daw? ano kinalaman ko sa sasakang nagaganap! bente kwatro! 24! twenty four kiyaw!, explain dito. explain doon. debate kami ng pulis kasi di daw pwede kung dahil lang ba daw na si Mr.Lipgloss lang ang sa likod eh siya na ang nagnakaw, (eto na praktisin ang human rights!) di gumana, sabi niya ang batas ng pilipinas ay ginawa para sa suspect hindi sa biktima! ano daw? (ayun praktisin ang pagiging "former" poli sci student ko.). explain ulit dito, explain ulit doon, debate dito! debate doon!
AKO NANALO!!! sabi ni mamang pulis, "ok ok 90% na siya nga ang kumuha"
ngayon kailangan ko nalang ang address niya, at sabi sakin ng pulis eh, entrapment ang gagawin namin.
kailangan ko nalang dalhin sa pulis ang pikshuure ng pesteng Mr.Lipgloss na yun, at ang serial number ng lahat ng nanakaw niya sa shop namin.
Yan muna. Yosi Break na ako.

No comments:
Post a Comment